|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga manggagawang mula Syria, dumating na
DALAWAMPU'T limang mga Filipino mula Syria ang dumating kaninang mag-aalas kwatro ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Emirates Air EK 332.
Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, umabot na sa 5,361 ang mga Filipinong nakauwi mula sa Syria. Sa bilang na ito, mayroong 2,332 ang dumaan sa Lebanon sa pagtutulungan ng mga Embahada ng Pilipinas sa Beirut at Damascus.
Patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan sa mga Filipino na nasa Syria na gamitin na ang mandatory repatriation program at dumulog kaagad sa Embahada ng Pilipinas sa Damascus upang matulungang makauwi kaagad sa Pilipinas.
Walang bayad ang plane tickets sapagkat sinagot na ng International Organization for Migration (IOM) sa Damascus ang pamasahe.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |