|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim del Rosario, nagtungo sa Libya
DUMALAW si Kalihim Albert F. del Rosario sa Tripoli, Libya kahapon at kinausap ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas at ang mga kasapi ng Rapid Response Team upang ipatupad ang contingency plan ng pamahalaan dahilan sa kaguluhang nagaganap doon.
Tinatayang mayroong 13,122 mga Filipino ang nasa Libya at itinaas na ang Crisis Alert Level 2 at ginawa ng Crisis Alert Level 3. Ang Crisis Level 2 ay nangangahulugan ng Restriction Phase samantalang ang Level 3 ay nangangahulugan ng Voluntary Reptariation Phase mula ngayong araw na ito.
Sa ilalim ng Crisis Alert Level 3, pinapayuhan ang mga Filipino sa Libya na umalis na muna sa bansa sa pinakamadaling panahon. Sasagutin ng pamahalaan ng Pilipinas ang gastos sa pag-uwi ng mga manggagawang Filipino.
Pinayuhan na ang mga Filipino doon na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tripoli upang maayos ang kanilang repatriation.
Ang embahada ay nasa KM 7 Gargaresh Road, Abu Nawas, Tripoli. Ang hotline ay +218 918244208 at ang telepono nila ay +218-21 4833966 at ang official email address ay tripoli.pe@gmail.com at tripoli.pe@dfa.gov.ph
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |