|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Hukuman: Ibalik na si Gng. Napoles sa Fort Sto. Domingo
ISANG hukuman sa Makati City ang nag-utos na ibalik na kaagad ang sinasabing mastermind sa pork barrel scam na si Gng. Janet Lim Napoles sa kanyang selda sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
Ayon sa mga balitang lumabas sa media, tinanggihan ni Makati Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda ang kahilingan ni Napoles na pawalang-saysay ang naunang kautusan na nagbabalik sa kanya sa selda sa Fort Sto. Domingo.
Detenido si Napoles dahilan sa serious illegal detention case na ipinarating ng kanyang kamag-anak na si Benhur Luy. Na sa Ospital ng Makati si Gng. Napoles mula noong nakalipas na Abril.
Ayon sa kautusan ng hukuman, ang Police Regional Director o sinoman sa kanyang mga tauhan na tiyakin ang pagtatalaga ng sapat na security personnel upang samahan si Gng. Napoles mula sa Ospital ng Makati tungo sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.
Naging sandigan ng desisyon ng hukuman ang ulat mula sa Ospital ng Makati na nagsasabing puede nang lumabas ng pagamutan ang pasyente.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |