Tiyuhin ng asawa ni Vitangcol, tumangging tumiba ng salapi
TUMANGGI ang tiyuhin ng nasibak na general manager ng MRT-3 Al Vitangcol na tumiba siya ng salapi sa kontrata sa kumpanya ng pamahalaan. Wala na umano siya sa PH Trams ng magkaroon ng joint venture na nakatanggap ng P 517 milyong maintenance contract para sa expansion project.
Sinabi ni Arturo Soriano na naaawa siya sa kanyang pamilya sapagkat baka magduda ang kanyang pamilya na milyonaryo na siya sapagkat malaking pera ang P 517 milyon. Kung ganoon umano kalaki ang kanyang salapi, hindi na sana siya nagtatrabaho. Ito ang buod ng kanyang pahayag sa GMA TV News 7.
Si Soriano ay isang chief accountant sa lalawigan ng Pangasinan. Bagaman, inamin niya na isa siya sa original incorporators ng PH Trams ng mabuo ito noong Agosto 2012. Umalis umano siya sa kumpanya bago naigawad ang kontrata sa PH Trams at kabalikat nitong CB&T noong Oktubre.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11