|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kontrobersyal na Ambassador ng Czech Republic, paalis na ng Pilipinas

PAALIS NA CZECH AMBASSADOR, NAGPAALAM KAY PANGALAWANG PANGULONG BINAY. Dumalaw si Outgoing Czech Ambassador Josef Rychtar kaninang umaga. Nakasama sa kontrobersya ang Czech ambassador ng akusahan niya ang ilang mga opisyal ng pamahalaan na nangikil ng salapip kapalit ng kontrata sa MRT-3. (OVP Photo)
DUMALAW si Czech Ambassador Josef Rycthar kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kanina sa Coconut Palace bilang pamamaalam.
Magugunitang napasok sa kontrobersya si Ambassador Rychtar matapos niyang akusahan ang ilang opisyal ng pamahalaan na humihiling ng milyun-milyong dolyar sa kanyang pamahalaan upang maigawad ang isang kontrata sa kanilang kontratista.
Pinabulaanan naman ang mga pahayag na ito ng mga opisyal ng Department of Transportation and Communications tulad ni Kalihim Joseph Emilio Aguinaldo Abaya at dating MRT-3 General Manager Al Vitangcol. Nasibak na sa kanyang tungkulin si Vitangcol.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |