|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bahala na ang Kagawaran ng Edukasyon, sabi ni Pangulong Aquino
BAHALA na ang Kagarawan ng Edukasyon sa pagpapatupad ng binabalak na three-day school week sa karamihan ng matataong mga paaralan sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Herminio Coloma, Jr., ipinauubaya na ni Pangulong Aquino kay Kalihim Bro. Armin Luistro ang pagkilos at gagawing kaukulang hakbang upang matugunan ang problemang kinakaharap ng sektor ng Edukasyon.
Ipinalabas ni Kalihim Coloma ang pahayag matapos isang opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ang nagsabi na lumalabas na katanggap-tanggap ang three-day school week upang matugunan ang karaniwang problema sa bawat school opening.
Magugunitang sa naganap na Tapatan sa Aristocrat, hindi sumang-ayon sa balak na ito sina dating Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr., dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, Alliance of Concerned Teachers Partylist Congressman Antonio Tinio at UP Professor Marwil Llasos sa balak na ito. Lalo umanong walang matututuhan ang mga bata sa paaralang pampubliko.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |