|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Performance ng Pilipinas, maganda
SINABI ni Bangko Sentral ng PIlipinas Governor Amando Tetangco, Jr. na sa nakalipas na halos 15 taon, nagkaroon ng 60 quarters ng sunod-sunod at positibong pag-unlad.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga opisyal at pinuno ng Chartered Financial Analyst, sinabi ni G. Tatangco na naganap ang mga pangyayaring ito kahit noog kainitan ng 2008-2009 Global Financial Crisis, hindi nagkaroon ng negative DGP growth.
Idinagdag pa ni Gobernador Tetangco na sa nakalipas na walong quarters o dalawang taon, lumago ang GDP ng higit sa 6% at ang average ay 7%.
Ito umano ang dahilan kaya't kinilala ang Pilipinas na "next Asian miracle" sa katatapos na World Economic Forum. Hindi umano ito miracle sapagkat natamo ang mga ito sa pamamagitan ng mga repormang ipinatupad ng pamahalaan.
Sa mga nagsusuri, nakikita ang katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas at magpapatuloy ito ngayong 2014 hanggang 2015.
Nanganap ang mga pangyayaring ito dahilan sa mababa at matatag na inflation dahilan na rin sa kapani-paniwalang monetary policy at isang matipunong banking system sa pamamagitan ng tinaguriang "responsive regulation." Ang inflation ay ayon sa target sa nakalipas na taon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |