NILIWANAG ni Lingayen-Dagupan Archbishop at pangulo ng Catholic Bishops Conference ang balita hinggil sa lumabas na balitang mayroon nang opisyal na paninindigan ng kapulungan hinggil sa EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement).
Sa isang pahayag na inilabas kagabi, sinabi ni Arsobispo Villegas na bagama't ang bawat obispo, tulad ng iba pang mga mamamayan ng Republika, ay may kalayaang magkaroon at magpanatili ng posisyon at ihayag ito, bilang Pangulo ng CBCP, nililiwanag niyang batid nila ang lawak ng mga isyung bumabalot sa EDCA kabilang na ang isyu hinggil sa international law at relasyon, regional politics at ang moralidad sa paggamit ng dahas at pagbabantang paggamit ng dahas, wala pang anumang opisyal na paninindigan ang CBCP sa mga bagay na ito.
Umaasa silang gagabayan ng Katotohanan at susuriing mabuti ang nilalaman ng kasunduan.
1 2 3 4 5 6 7 8