|
||||||||
|
||
Pilipinas, magbabahagi ng karansan sa post-Yolanda sa Asia-Europe conference
ITATAMPOK ng Pilipinas ang karanasan nito matapos hagupitin ng bagyong "Yolanda." Gagawin ito sa Maynila sa pagpupulong ng mga pinuno ng Asia at Europa ngayong linggong ito.
Ayon sa Malacanang sa pamamagitan ni Kalihim Edwin Lacierda, ang ASEM Conference ay inaasahang maglalabas ng TAcloban Declaration, isang dokumentong naglalaman ng mga panukala upang magkaroon ng higit na mas magandang tugon sa bawat trahedya. Ito ang magiging karagdagan sa Post-2015 Global Framework for Disaster Risk Reduction Management.
Tema ng pagtitipon ang "Post-Haiyan – A Way Forward" na naglalayong magtampok ng mga leksyong nakamtan sa paghagupit ni Yolanda at iba pang mga trahedyang tumama sa Pilipinas. Kikilalanin ang mga pagkukulang at magbabajagi ng mga magagandang nagawa sa mga dadalong bansa.
Kasama sa itatampok ng Pilipinas ang programang NOAH – Nationwide Operational Assessment of Hazards at GMMA-READY (Enhancing Greater Metro Manila's Institutional Capabilities for Effective Disaster/Climate Risk Management.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |