|
||||||||
|
||
Halos P 900 milyon inilaan para sa Information and Communications Technology
NAGLAGAY ang pamahalaan ng may P 878 milyon patungo sa Department of Science and Technology – Information and Communications Technology Office upang suportahan ang ikalawang bahagi ng Integrated Government Philippines project.
Ang iGovPhil ay bahagi ng e-Government Master Plan mula 2013 hanggang 2016 na naglalayong pakinabangan ang ICT resources sa pamamagitan ng shared ICT infrastructure, services at applications para sa mga pambansang tanggapan.
Sinabi ni Budget Secretary Florencio "Butch" Abad na ang proyekto ay may mararating sa pagtutugma ng mga proseso ng pamahalaan at inter-operability sa loob ng burukrasya, patungo sa mas mabilis at mapakikinabangang paghahatid ng government services sa mga mamamayan.
Ipinaniwalag pa ni G. Abad na ang patuloy na investments sa high-impact ICT programs ay ayon sa pagpapatakbo ng mahusay ng Aquino Administration. Hindi kailanman isyu ang data security sapagkat gagami9t ng pare-parehong teknolohiya.
Ayon kay G. Abad, maliban sa matitipid mula sa paperless transactions, makakatipid rin ng panahon sa pagkakaroon ng koneksyon ng bawat ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng ICT infrastructure. Mayroon pa ring pagtatangkang mapabilis at efficiency na pagpapadaluyan ng government services.
Ang malaking bahagi ng salapi, ang may P 738.8 ay para sa pagpapalawak ng fiber optic cables at pagtatayo ng data centers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |