|
||||||||
|
||
National Bureau of Investigation, inatasang bantayan ang mga dokumento
MATAPOS maibigay ni Janet Lim Napoles ang kanyang kontrobersyal na talaan at affidavits hinggil sa P 10 bilyong pork barrel scam, inatasan ang NBI na mabantayan ang mga dokumento at makakuha ng mga dokumento na tutugon sa kanyang mga sinasabi.
Ayon kay Justice Secretary Leila D. De Lima, kinukuha na ng NBI ang mga dokumento mula sa kanya bilang bahagi ng fact-finding process tungkol sa katotohanan ng kanyang mga alegasyon sa dalawang sinumpaang salaysay.
Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, kung walang makukuhang ebidensyang susuporta sa mga alegasyon ni Napoles, tulad ng "red book", na naglalaman ng mga transaksyon sa mga mambabatas at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.
Maliban sa kanyang talaan, si Napoles, sa pamamagitan ng Kagawaran ng Katarungan, na pinagbigyan ng kanyang mga sinumpaang salaysay.
Sa pinakahuling sinumpaang salaysay, tatlong senador na may inereklamo nang plunder ay sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon "Bong" Revilla, Jr. Pinangalanan din sina Senador Gregorio Honasan, Loren Legarda,Vicente Sotto III, Manuel Villar kasama na ang yumaong Robert Barbers.
Dalawang pangalan pa ang nadawit sa sigalot, si dating Senador Luisa "Loi" Ejercito, Rodolfo Biazon at Robert Jaworski.
Isinangkot din sina dating Senador Teresita Aquino-Oreta, Ramon Magsaysay, Jr., at Aquilino Q. Pimentel, III. Nabigyan din umano ng ponso sina Senador Alan peter Cayetano at Francis Escudero.
May 100 mga kasalukuyan at nakalipas na kongresista idinawit, kasama na si Budget and Management Secretary Florencio "Butch" Abad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |