Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kapulungan ng mga Obispo ng Pilipinas, hindi pa nasusuri ang EDCA

(GMT+08:00) 2014-06-02 20:11:49       CRI

Walang maliwanag na direksyon sang Charter Change

PAGSUSOG SA SALIGANG BATAS DAPAT IDAAN SA CONSTITUTIONAL CONVENTION.  Ito ang nagkakaisang pananaw nina Congressman Neri Javier Colmenares ng Bayan Muna (pangalawa mula sa kaliwa) at nina Atty. Romulo Lumauig Deputy Secretary General ng Philconsa (pangalawa mula sa kanan) at Atty. Herminigildo Dumlao (kanan) Vice President for Luzon ng Philippine Constitution Association sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.  Mas marami pa umanong panukalang batas ang dapat bigyang pansin kaysa pagpapalit ng dali-dali ng Saligang Batas.  (Areopagus Photo)

KAHIT pa minadali ang pagdinig hinggil sa pagsusog sa Saligang Batas, lumalabas na walang maliwanag na direksyon mula sa Administrasyong Aquino upang maisulong ang pagbabago sa Saligang Batas.

Ito ang pananaw ni Bayan Muna party List Congressman Neri Javier Colmenares sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Matapos umano ang maka-apat na ulit na pagdinig, naghihintay silang magkaroon ng mga debate upang higit na lumiwanag ang mga isyu.

Nagkataon nga lamang na naipigil ito sa plenaryo sapagkat pag-uusapan na lamang umano sa mga susunod na panahon. Nakakalungkot, ayon kay Congressman Colmenares na mayroong mas mahahalagang panukalang batas na naghihintay ng atensyon ng mga mambabatas upang maisulong ang bansa at matiyak ang mas magandang ekonomiya. Napakalaking mga problema ang idinudulot ng pagbibigay panahon sa pagbabago sa Saligang Batas. Mayroon ding mga isyung pangseguridad laban sa charter change.

Sa panig ng Philippine Constitution Association (PHILCONSA), sinabi ni Vice President for Luzon Herminigildo Dumlao, na kailangang magkaroon ng reporma sa pamahalaan upang matiyak ang pagsunod sa itatadhana ng bagong saligang batas.

Naniniwala din si Atty. Dumlao na kailangang matiyak na malinis ang paraan ng paghahalal upang maiwasan ang pagdududa ng may dayaan sa nakalipas na dalawang halalan sapagkat may posibilidad na idaan sa constituent assembly sa halip na sa constitutional convention, tulad ng kinagawian.

Sinabi ni Deputy Director General Atty. Romulo Lumauig na seryoso ang mga isyung napapaloob sa charter change. Mayroon pang mga taong nasa poder na nagnanais na manatili sa poder at natural sa kanilang maghangad ng totoong poder.

Sa isyu ng nalalapit na halalan sa 2016, naniniwala sina Atty. Lumauig na kailangang magkaroon ng kombinasyon ng manual at automated transmission ng election results. Hiniling naman ni Congressman Colmenares na kailangang magkaroon ng transparent automated participatory system na pamalit sa precinct-count optical scan machines. Kailangang gawin ito upang maiwasan ang karanasan noong 2010 at 2014 elections.

Ang mga kaduda-dudang PCOS machines ang siyang nagbibigay ng daan upang magkaroon ng dayaan.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na ang paggalang sa karapatan ng taong mamili ng nararapat maglingkod ay dapat pahalagahan ng pamahalaan.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>