|
||||||||
|
||
Kalihim ng Komersyo ng America, dadalaw sa Pilipinas
NAKATAKDANG dumalaw sa Maynila si US Secretary of Commerce Penny Pritzker sa darating na Miyerkoles upang maghayag ng Economic Engagement ng knyang bansa sa Asia Pacific.
Ayon sa pahayag ng Embahada ng America sa Maynila, magsasalita si Kalihim Pritzker sa New World Hotel, Makati City sa ganap na ika-11 ng umaga.
Pagpapakita lamang ito ng pangako ng Estados Unidos sa Pilipinas at mga bansang kabilang sa ASEAN, na may diin sa economic at commercial relations. Dadalaw siya kasabay ng US-ASEAN Business Council at isang grupo ng mga mangangalakal na Amerikano. Higit umanong lalalim ang relasyong pangkalakal sa pagdalaw na ito.
SA kanyang pagdalaw sa Pilipinas, makaka-usap niya si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, Kalihim Gregory Domingo ng Department of Trade and Industry at Department of Finance Secretary Cesar Purisima at iba pang mga opisyal ng pamahalaan at industriya.
Si Penny Pritzker ay isang mangangalakal, civil leader at pilantropo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |