|
||||||||
|
||
Maneobra sa mga usapin, napupuna
SINABI ni Kalihim Proceso J. Alcala na mayroong pagtatangkang ilayo ang isyu sa mga taong nangulimbat ng kaban ng bayan sa pagdadawit sa mga taong nagsusulong ng reporma.
Sa isang press briefing kaninang umaga, sinabi ni G. Alcala na sa mga sinumpaang salaysay ni Gng. Janet Lim Nappoles na may petsang ika-12 ng Mayo at ika-26 ng Mayo, walang anumang binanggit na pagkakasangkot ng Kalihim ng Pagsasaka sa Priority Development Assistance Fund.
melo
|
Malisyoso umano ang mga akusasyon laban sa kanya sapagkat walang anumang basehan. Nadarama umano niya na may pagtatangkang linlangin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng paglilihis ng galit mula sa mga nagsamantala tungo sa mga walang kinalamang opisyal ng pamahalaan.
Wala umano siyang anumang dealing kay Napoles sa nakalipas na panahon noong siya ay congressman mula sa ikalawang distrito ng Quezon at sa kanyang katayuan bilang Kalihim ng Pagsasaka.
Sa unang affidavit, walang anumang kataga na nasangkot siya sa mga transaksyon. Samantala, sa ikalawang affidavit, may pagtatangkang ikonekta siya kay Napoles sa pagsasabing mayroon siyang autoridad na lumagda sa ngalan ng Kagawaran ng Pagsasaka.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |