|
||||||||
|
||
Kakulangan ng kagamitan, pasilidad, hadlang sa pagpapatupad ng K-to-12
SA pagbabalik ng milyong mga kabataan sa mababang paaralan at mga high school ngayong araw na ito, lumalabas na hadlang ang kawalan o kakulangan ng mga kagamitan at pasilidad ang sumasagka sa pagsulong ng edukasyon.
Ayon sa mga balita sa media, sa nakalipas na tatlong taon, ang mga Grade 7 pupils sa Caloocan High School ang bumibili ng kanilang workbook sa subject na Pilipino sapagkat wala pang naihahatid na kagamitan ang Kagawaran ng Edukasyon sa kanila.
Kaninang umaga, sinabi ni Bro. Armin Luistro na hindi na niya madadaluhan ang iba pang school opening sapagkat nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao siya (at doon niya) gugugulin ang maghanapon.
Sa school year na 2013-2014, ang mga workbook para sa Lakan Dula High School sa Tondo ay dumating noong ikatlo hanggang ikaapat na quarter. Pagdating ng mga aklat, ang mga guro pa ang nagpaduplicate nito at nagpapamahagi sa kanilang mga mag-aaral.
Ang kawalan ng learning materials ang isa sa mga problemang kinakaharap ng pamahalaan sa educaton program nitong K – to – 12 sa tatlong taon ng pagpapaunlad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |