|
||||||||
|
||
Ulat ni Melo 20140619
|
PANALANGIN PARA SA ULAN, ITINIGIL NA. Naglabas ng mensahe si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na itigil na ang pananalagin para sa pag-ulan. Nanawagan siya noong ika-18 ng Mayo na magsagawa ng oratio imperata o obilgatory prayer na humihingi ng tulong sa Diyos upang magkaroon ng ulan. Sa pagdating ng tag-ulan, nanawagan siya sa madla na ipagpatuloy ang pagtatanggol sa kalikasan. (Roy Lagarde/CBCP News)
SA pagsisimula ng tag-ulan, ipinatigil na ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang oratio imperata o obligatory prayer para sa pag-ulan sa mga parokyang saklaw ng Arkediyosesis ng Maynila.
Inilabas ni Cardinal Tagle ang kanyang kautusan sa mga pinuno ng mga secular institutes, mga pari at mga relihiyoso sa Kamaynilaan ngayong linggo sa paglalabas ng PAGASA na balitang dumating na ang tag-ulan.
Salamat sa Diyos, sabi ni Cardinal Tagle lalo't higit na ibinalita ng PAGASA na dumating na ang tag-ulan sa bansa.
Pinalabas ni Cardinal Tagle ang panalangin para sa pag-ulan noong ika-18 ng Mayo kasunod ng balitang magkakaroon ng kakulangan sa kuryente at tubig.
Mayroon na umanong senyales na napigil ang krisis sa tubig at kuryente sapagkat sinagot na ang panalangin ng taongbayan.
Nanawagan pa rin siya sa madla na magpatuloy ng pagdarasal para sa mabuting panahon, sapat na tubig para sa mga palayan at mga gulayan, para sa mahihinang sama ng panahon at kaligtasan mula sa mapaminsalang mga baha at hangin.
Nanawagan pa rin siya sa madla na maging mabubuting tagapangalaga sa mga ipinagkaloob ng Diyos.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |