|
||||||||
|
||
Kahilingan ni Senador Revilla na suspendihin ang paglilitis, ibinasura
PINAWALANG-SAYSAY ng First Division ng Sandiganbayan ang petisyon ni Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. na suspendhihin ang paglilitis sa pork barrel scam.
Tinaggihan ni Justice Efren dela Cruz, chairman ng First Division ang kahilingan ni G. Revilla na suspendihin ang paglilitis sapagkat gagamitin ng panel ang sampung araw na itinakda upang alamin kung mayroong sapat na dahilan upang litisin ang usapin.
Ani Justice Dela Cruz, determinado ang hukuman na alamin kung mayroong sapat na basehan ang mga usapin ayon sa batas kaya't ang kahilingan ng akusado na tumugon sa loob ng sampung araw ay tinatanggihan. Pinag-utusan ng hukuman ang pag-uusig na magpahayag sa kahilingan ng judicial determination mula sa panig ni Senador Revilla. Hiniling ng mga abogado ni G. Revilla na huwag munang ituloy ang paglilitis samantalang wala pang desisyon ang Korte Suprema sa kahilingan ng Ombudsman na magkaroon ng hiwalay o espesyal na lupon na dirinig sa mga usaping may kinalaman sa pork barrel scam.
Ayon kay Justice dela Cruz, sapagkat inatasan na silang gawin ang raffle sa mga usapin, itutuloy na nila ang kanilang nararapat gawin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |