|
||||||||
|
||
Pamilyang apektado ng pagbaha sa Maguindanao, nadagdagan
SA patuloy na pagbaha sa ilang pook sa Maguindanao, umabot na sa higit sa 10,000 pamilya ang apekdato ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Hanggang kahapon ay mayroong 10,437 pamilya ang apektado ng pagbaha sa anim sa 12 mga bayang binaha. Tuloy pa rin ang assessment na ginagawa ngayon sa naging epekto ng pagbaha sa mga mamamayan. Pinakamaraming apektado sa Northern Kabuntalan na mayroong 2,095 at sa Sultan Barongis, 1,514 na pamilya.
Napuna na namang nasasagkahan ng water lily ang Tamontaka River at Rio Grande de Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |