|
||||||||
|
||
Mga mangingisdang mula sa Vietnam, ipinabilanggo
ISANG hukuman ang nagpataw ng parusang pagkakabilanggo ng hanggang anim na buwan sa 12 mga mangingisdang mula sa Vietnam. Pinagmumulta rin sila ng $ 100,000 para sa illegal fishing.
Nadakip sila noong ika-21 ng Marso na maydalang isang bangkang puno ng mga pating mula sa kanlurang lalawigan ng Palawan. Umamin ang mga mangingisda na sila'y nagkasala.
Ayon kay Prosecutor Alen Rodriguez, kung hindi sila makapagbabayad ng multa na aabot sa tig-wawalong libong dolyar, daragdaragan ang panahon ng kanilang pagkakabilanggo.
Kung makapagbabayad sila ng multa at nabilanggo na sila ng tatlong buwan, makalalaya sila pagsapit ng Setyembre. Ayon sa impormasyon, madalas mangisda ang mga Vietnames sa karagatang malapit sa PIlipinas.
Ang karagatang malapit sa 2,000 kilometrong baybayin ng Palawan ang isa sa pinakamayamang bahagi ng karagatan.
Isa pang grupo ng 12 Vietnamese fishermen ang nadakip noong 2013 na may mga dalang pawikan sa may Palawan. Na sa bilangguan pa sila sa Puerto Princesa samantalang tuloy pa rin ang paglilitis sa kanila. Kung mapapatunayang nagkasala, mabibilanggo sila ng hanggang 12 taon.
Ayon sa balita, may 122 mga Vietnames ang nadakip noong 2011 sa may Palawan. Nabilanggo sila ng anim na buwan at pinauwi na rin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |