|
||||||||
|
||
Air Conditioned buses at mga sasakyan na barangay, nagamit
IKINALAT ng pamahalaang lokal ang mga air conditioned bus at sasakyan ng mga barangay upang tugunan ang pangangailangan ng masasakyan sa pagpoprotesta ng mga pampublikong sasakyan sa mas mataas na multa.
Sa Cebu City, ginamit ng pamahalaang lokal ang mga air-conditioned bus mula sa katimugang bahagi ng lungsod patungo sa centro ng Cebu. Tuloy ang mga klase at trabaho sa pamahalaan.
Sa Antipolo City, daan-daang mga mananakay ang nabimbin sa paglalakbay dahilan sa welga o tigil-pasada. Emergency vehicles naman ang ginamit ng Quezon City government kasama na ang mga sasakyan sa 142 barangay ng lungsod.
Ipinadala ang mga sasakyan sa Commonwealth Avenue, Aurora Boulevard, E. Rodriguez Avenue at iba pang pook pasa sa OPlan Libreng-Sakay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |