|
||||||||
|
||
Kalihim Roxas at PNP Chief Purisima, hindi sisibakin
HINDI patatalsikin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sina Interior Secretary Manuel Araneta Roxas at PNP Police Chief Alan Purisima dahilan sa kriminalidad sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Oeprations Office head Herminio Coloma, Jr., patuloy na pinagtitiwalaan ni Pangulong Aquino sina Kalihim Roxas at Director General Purisima.
Samantala, sinabi naman ni Volunteers Against Crime and Corruption chairman Dante Jimenez, ang dalawang opisyal ay walang nagawa upang mapigil ang paglaganap ng kriminalidad.
Una nang pinabulaanan ng Malacanang ang akusasyon ng VACC na lumala ang kriminalidad sa bansa sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Idinagdag pa ni Kalihim Coloma na nagpapasalamat sila sa komunikasyon ng VACC kay Pangulong Aquino at sa kanilang mga panukala upang mabawasan at mapigil ang kriminalidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |