|
||||||||
|
||
Training Center para sa seafarers, pinasinayaan
MAY KINABUKASAN PA ANG MGA MAGDARAGAT NA FILIPINO. Ito ang ipinaliwanag ni Jose D. Reynoso, Jr. (gitna) Training Director ng Italian Maritime Academy Philippines sa pagpapasinaya ng kanilang paaralan para sa mga magdaragat kaninang tanghali. Patuloy ang pangangailangan ng iba't ibang kumpanya ng barko sa mga magdaragat na Filipino. (Melo M. Acuna)
NAGBUKAS na ang Italian Maritime Academy Philippines, Inc. sa basement ng Philippine AXA Life Centre Condominium Corporation kaninang tanghali. Ang training center ay binubuo ng mga kinatawan ng Italian Maritime Cluster na katatagpuan ng mga may-ari ng barkong naglalayag sa buong daigdig.
Sinimulan ang paaralan mga pitong taon na ang nakalilipas upang matugunan ang pangangailangan ng industriya. Ang pangangailangang ito ay para sa lisensyado at may kakayahang Deck at Engine Officers at Ratings na magiging mga opisyal ng barkong Italiano.
Sa panayam, sinabi ni Edsel G. Logan, ang Business Development at Quality Assurance Manager ng IMAPhil na malaki pa rin ang pangangailangan para sa mga lisensyadong magdaragat. Ang pagsasanay ng mga kadete ay bibigyang pansin ng koponan ni Chief Engineer Jose D. Reynoso, Jr, na siyang training director ng Italian maritime Academy Philippines.
Hindi umano nagpapabaya ang Pilipinas sa mga magdaragat na nakalalakbay sa iba't ibang bansa ang mga magdaragat na Pilipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |