|
||||||||
|
||
Mambabatas, humihiling na higpitan ang batas laban sa droga
HINILING ni Quezon Congresswoman Aleta Suarez na dagdagan ang nilalaman ng Dangerous Drugs Act upang parusahan ang sinumang matatagpuang mayroong ipinagbabawal na droga gaano man karami o kalabnaw at maparusahan ng pagkakabilanggo ng habang-buhay, pagmultahin ng mula P 1 hanggang P 10 milyon at kilalanin ang pagkakaroon ng illegal drugs bilang non-bailable offense.
Sususugan ng panukalang batas na House Bill 4150 ang Section 11 ng Republic Act 9165 na kilala sa pamagat na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nagpapataw ng parusang pagkakabilanggo hanggang kamatayan at mulatang mula P 500 libo hanggang P 10 milyon ang sinumang tao na magkakaroon ng higit sa itinatadhana ng batas.
Ipinaliwanag ng mambabatas na kailangang susugan ang nilalaman ng RA 9165 upang matugunan ang kalakaran ng mga sindikato at upang matulungan ang paglilitis ng mga usapin.
Ani G. Suarez, sa maliliit na kantidad na lamang ipinagbibili ang mga illegal na droga kaya't nakakalusot sa paglilitis.
Napupuno umano ang mga piitan sa pagdami ng drug-related crimes, ani Congresswoman Suarez.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |