|
||||||||
|
||
20140626Meloreport.mp3
|
MAY kumpirmasyon mula sa Malacañang na nakipag-usap si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pinuno ng Moro Islamic Liberation Front Murad Ebrahim sa Japan at tinalakay ang progreso ng peace process.
Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Communications Operations Chief Herminio Coloma, Jr. na nagkita sina Pangulong Aquino at Chairman Ebrahim sa Hiroshima sa isang araw na pagdalaw doon noong Martes.
Ani Kalihim Coloma, isang one-on-one meeting ang naganap. Walang mga miyembro ng Gabinete. Tiyak umanong ang progreso ng Comprehensive Agreement on the Bangamoro ang kanilang pinag-uusapan.
May pagtitiwala ang dalawa sa isa't isa kaya't walang nararapat ipangamba.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |