|
||||||||
|
||
Senador Revilla, tumangging magpahayag sa akusasyon sa kanya
ANG First Division ng Sandiganbayan mismo ang nagpasok ng "not guilty plea" sa ngalan ni Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. matapos tumanggi siyang magpahayag ng anuman sa kasong plunder na ipinarating laban sa kanya sa diumano'y maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund na kilala sa pangalang pork barrel.
Sa kabilang dako, ang sinasabing mastermind na si Janet Lim-Napoles at ang alalay ni Senator Revilla na si Atty. Richard Cambe ay nagpasok ng plea of not guilty. Nahaharap sa usaping plunder sina G. Revilla, Napoles, Cambe, ang pamangkin ni Napoles na si Ronald John Lim at tsuper na si John Raymund de Asis.
Tumanggap umano si Revilla at mga kasama ng P 224.5 milyong kickbacks mula 2006 hanggang 2010 upang pondohan ang ghost projects ng mga NGO ni Napoles. Hindi pa nadarakip sina Lim at de Asis. Bukod sa isang uspin ng plunder, nahaharap pa sa 16 na kasong graft ang mambabatas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |