|
||||||||
|
||
Pamahalaan, naglaan ng P 554.4 milyon para sa Turismo
NAGLAAN ng salapi ang Pamahalaang Aquino sa pagpapasigla ng promosyon ng turismo sa bansa sa paglalabas ng P 554.4 milyon sa Tourism Promotions Board sa pagpapatupad ng marketing at promotional activities.
Inilabas na ang salapi mula sa Department of Budget and Management. Gagamitin ang salapi upang isulong ang mga produkto, mga magagandang dalawing pook at mga serbisyong maibibigay sa mga dadalaw na turista. Layunin ng salaping ito na mapaabot ang tourist arrivals sa 10 milyon pagsapit ng 2016.
Sinabi ni Kalihim Florencio B. Abad na nakikita na ang pagdami ng mga turistang dumadalaw sa bansa samantalang masigla pa rin ang local tourism industry. Ang pagpapasigla sa promosyon ay makadaragdag sa bilang ng mga banyagang dadalaw sa Pilipinas.
Idinagdag pa ng kalihim na magkakaroon ng mas maraming business opportunities at mas maraming trabaho sa mga pook na dadalawin ng mga turista.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |