|
||||||||
|
||
Mga Filipino, umuuwi na mula sa Syria at Libya
MGA MANGGAGAWA MULA SA SYRIA AT LIBYA, UMUUWI NA. Marami nang mga OFW ang nakarating sa bansa sa pamamagitan ng repatriation program. Ito ang ibinalita ni Foreign Affairs Asst. Secretary at Spokesman Charles Jose sa isang press briefing kanina. (Melo M. Acuna)
PATULOY na bumabalik sa Pilipinas ang mga manggagawang mula sa magugulong bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Africa.
Sa isang media briefing, sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose na 28 mga Filipino mula sa Syria ang darating sa NAIA 1 sakay ng Emirates Air flight EF 332 bukas ng ika-apat at kalahati ng hapon. Umabot na sa 5,389 ang nakauwing mga manggagawa mula sa Syria samantalang tinatayang mayroong 2,400 OFW ang nananatili sa magulong bansa.
Dumating kahapon ang anim na manggagawa mula sa Libya sakay din ng Emirates Air flight EK 332 kahapon. Pawang mga manggagawa sila ng Doosan Heavy Industries. Umabot na sa 237 mga manggagawa mula sa Libya ang nakabalik sa Pilipinas.
Idinagdag pa ni Asst. Secretary Jose na may 347 mga manggagawa ang dumulog na sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli at naghihintay na ng kanilang repatriation.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |