|
||||||||
|
||
Iba't ibang grupo, nanawagang buwagin na ang pork barrel
NANAWAGAN ang iba't ibang grupo na iwaksi na ang pork barrel sa idinaos na National Day of Prayer and Vigilance kahapon sa Plaza Miranda.
Ayon kay Fr. Ben Alforque, MSC, umaasa silang sa pamamagitan ng kanilang mga panawagan ay makararating ang kanilang mensahe sa pamahalaang nagkukubli ng mga magnanakaw na hindi na nila maloloko pa ang mga mamamayan.
Si Fr. Alforque ang convenor ng Church People's Alliance Against Pork Barrel.
Ngayon ang panahon upang taimtim na manalangin ang mapigil na ang katiwalian sa pamamagitan ng pork barrel at ang mga nagkasala ay parusahan. Nararapat ding mapanagot ang lahat ng may kinalaman sa katiwalian.
Idinagdag pa ni Fr. Alforque na ang Disbursement Acceleration Program ni Pangulong Aquino ay nararapat ding mawala sapagkat ito ang pinakamalaman at makatas sa lahat ng salaping mula sa pamahalaan.
Wala umanong katuturan ang Daang Matuwid ni Pangulong Aquino kung magpapatuloy ang mga katiwalian.
Nanawagan din si Mario Sol Villalon sa mga mamamayan na huwag tatalikdan ang pagkondena sa korupsyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |