|
||||||||
|
||
Mambabatas, humiling na gawing economic sabotage ang rice at corn hoarding
HINILING no Congressman Mark Leandro Mendoza ng Batangas na gawing "economic sabotage" ang kasong haharapin ninoman namag-iimbak ng bigas at mais kasabay na rin ng pagpapatubo ng higit sa panahon ng mga kalamidad at mga emerhensya.
Sa kanyang panukalang batas, sinabi ni Congressman Mendoza na ang pag-iimbak ng bigas at mais ang lubhang nagpapalala ng kalagayan ng mga biktima ng mga kalamidad kaya't inihain niya ang panukalang batas na House Bill 4617 na pinamagatang "Anti-Rice or Corn Hoarding and Profiteering Act" bilang dagdag sa House Bill 4619 na nagnanais na gawing economic sabotage ang rice smuggling.
Idinagdag ng mambabatas na samantalang ang Pilipinas ay mayroong bigas at mais mula sa mga sakahan, umaasa pa rin ang bansa sa inaangkat ng mga produkto upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Lalong lumalala ang kakulangang ito sa illegal na gawain ng mga mangangalakal na nag-iimbak upang mamanipula ang halaga ng mga produktong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |