Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino at MILF Chair Murad, nagkita sa Japan

(GMT+08:00) 2014-06-26 21:29:10       CRI

Labor Attaché, pinakakasuhan ng Kagawaran ng Katarungan

ISANG opisyal ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay ang pinakakasuhan ng Kagawaran ng Katarungan ng acts of lasciviousness matapos masangkot sa kontrobesyal na "sex for flight" arrangement na nambibiktima ng mga manggagawang Filipino sa Saudi Arabia.

Hindi kinilala ng Kagawaran ng Katarungan ang opisyal sapagkat ipinagbabawal ito ng Anti-Rape Law subalit sinabing mayroong sapat na dahilan upang magparating ng dalawang reklamo ng pang-aabuso.

Ipinaliwanag ni Kalihim Leila de Lima na ang ilang probisyon ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law ang nagbabawal sa pamahalaan na ibunyag sa publiko ang mga pangalan ng mga biktima at mga pinaghihinaliaan.

Ang isang opisyal ay maaaaring mapanagot ng "abuses against chastity" kung mayroong "immoral o indecent advances" sa isang babaeng interestado sa usaping madedesisyunan ng may katungkulan. Ito ay ayon sa Article 245 ng Revised Penal Code.

Ang nagreklamong OFW ay nagsabing nagtungo siya sa Philippine Ocverseas Labor Office noong ika-5 ng Pebrero 2013 matapos siyang tumakas sa kanyang amo. Dinala siya sa Bahay Kalinga kung saan niya nakilala ang labor attaché,.

Sinabi ng biktima na nagkanlong siya sa POLO sapagkat pinagtatrabaho siya ng halos 24 na oras sa bawat araw at ikinandado ang kanyang silid ng dalawang gabi ng walang pagkain at tubig.

Sa kanilang pagtungo sa Bahay Kalinga, tinanong siya ng labor attaché kung hinawakan siya sa kanyang katawan ng kanyang amo at kung hindi, papayag daw ba siyang hawakan ng opisyal.

Isang gabi noong Abril 2013, sinabi ng biktima na nakatanggap siya ng tawag sa isang lalaking nagpakilalang "Muhammad" at nag-alok ng hanapbuhay kung papayag siyang makipagtalik. Sinabi ng biktima na nakilala niya ang lalaki sa tinig nito na walang iba kungdi ang labor attaché mismo dahil nakikipag-usap sa kanya sa telepono ng may tatlong ulit sa bawat linggo sa nakalipas na dalawang buwan.

Nang sumunod na araw, ang nagpakilalang "Muhammad" ay tumawag na muli at humiling na padalhan siya ng larawan ng naka damit pangloob laman subalit tumanggi siya.

Dalawa pang reklamo laban sa parehong labor attaché na mula sa dalawang OFW sa Saudi Arabia ang pinawalang-saysay ng Kagawaran ng Katarungan.


1 2 3 4 5 6 7 8 9
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>