|
||||||||
|
||
Inflation rate, bumaba sa buwan ng Hunyo
BUMABA ang inflation rate sa buwan ng Hunyo at natamo ang 4.4% mula sa 4.5% noong Mayo kaya't saklaw pa ito ng target sa taong ito ng National Economic and Development Authority.
Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, umaasa ang kanyang kagawaran na magkakaroon ng average na 4.4% sa buong taon at napapaloob sa 3.0% hanggang 5.0%.
Ang hindi pagtaas ng presyo ng non-food items ang nagpabagal ng inflation rate noong Hunyo. Subalit ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain ang nagtaaas ng inflation rate.
Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain ang biglang pagtaas ng halaga ng bigas sapagkat nadama ang kakulangan nito sa mga pamilihan.
Mayroon pa umanong mga peligro na dapat bantayan tulad ng pagsama ng panahon, mga peste at sakit ng mga pananim at mga nakabimbing mga petisyon sa pagtataas ng pasahe at ang maraming salaping nasa ekonomiya.
Kailangang magkaroon ng mga palatuntunang magpapataas ng produksyon at food processing upang maibsan ang epekto ng napipintong pananalasa ng El Nino sa darating na buwan ng Agosto. Kailangan umano ang Public-Private Partnership upang makapagtayo ng mga cold chain systems.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |