|
||||||||
|
||
20140627melo.mp3
|
Para sa Simbahan, isang malaking hamon ang K-12
SINABI ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na pagsapit ng 2016, ang mga kolehiyo at pamantasan at dalubhasaan ay mawawalan ng college freshmen. Ang mga mag-aaral na makakatapos ng apat na taong pag-aaral sa high school ay lilipat sa senior high school at matutungo sa iisang daan sa university o college education.
Sa isang pahayag, sinabi ni Arsobispo Villegas na ang pinaka-problema ay ang Catholic educators, mula sa academic at non-academic partners na mawawalan ng mga estudyante sa unang taon ng higher educaton, para sa unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 at sa unang dalawang taon, sa pagpapatupad nitong programa.
Itinatadhana ng Batas ng Paggawa na posibleng gawin ng mga may paaralan, ang redundancy at trenchment provisions, sa oras na matugunan ang legal conditions.
Subalit higit na pahahalagahan ng Catholic schools ang pagkakawanggawa kaysa itinatadhana ng batas. Ito ang pinakadahilan kaya't mayroong mga paaralang pinatatakbo ng simbahan. Masakit para sa Simbahang talikdan ang mga kasama sa paglilingkod matapos maging tapat sa napakaraming taon.
Nanawagan si Arsobispo Villegas na gamitin ang pagkakataong ito upang magkaroon ng mga pagsasanay sa mga guro at propesor sa mga kolehiyo upang magutunan ang academic requirements ng senior high school.
Malaki rin ang maitutulong ng mga kapariang nagpapatakbo ng mga paaralang ito. Ang paglilingkod sa mga paaralan ng Simbahan ay isang bokasyon. Batid din ni Arsobispo Villegas na maraming mga guro ang naglilingkod sa mga paaralan samantalang naghihintay ng mga alok sa mas matataas magpasahod ng paaralan at tanggapan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |