|
||||||||
|
||
Produksyon ng bigas lumago ng 2.7 metriko tonelada
SA araw na ito, natamo ng Kagawaran ng Pagsasaka ang paglago ng produksyon ng bigas ng may 2.7 milyong metriko tonelada sa loob ng tatlong taon, 2010 hanggang 2013.
Ayon sa pahayag ni Asst. Secretary for Field Operations at Director ng National Rice Program Edilberto de Luna, tumaas ang produksyon mula sa 15.7 milyong metriko tonelada noong 2010 at natamo ang 18.4 milyon metriko tonelada noong 2013.
Ipinaliwanag ni G. de Luna sa sa nakalipas na tatlong taon ay nagkaroon ng average growth ng may 900,000 metriko tonelada tayon-taon.
Idinagdag pa ni G. de Luna na naganap ang paglagong ito sa napapanahong pagpasok sa eksena ng Kagawaran ng Pagsasaka tulad ng paggasta sa patubig at small water impounding dams.
Nagkaroon din ng naibahaging teknologiya ang mga taga Kagawaran ng Pagsasaka sa mga manggagawang bukid. Lalong gaganda ang larawan ng pagsasaka sa pagpasok ng mga makinarya at post-harvest facilities.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |