|
||||||||
|
||
melo/20140617.m4a
|
PINALABAS nan g Sandiganbayan ang hold departure order laban kina Senate Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile, Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr., at ang sinasabing pork barrel mastermind na si Gng. Janet Lim-Napoles at iba pang mga akusado sa mga usaping may kinalaman sa paglustay ng may P 10 bilyon sa salapi ng bayan.
Ang hold departure order laban kay Senador Revilla ay mula sa First Division na naunang nagsama-sama ng plunder at graft cases laban sa mambabatas.
Nagmula naman sa Third Division ang hold departure order laban kay Senador Enrile, dating chief of staff ni Senador Enrile na si Jessica "Gigi" Reyes, Napoles at 45 iba pa na isinangkot sa usapin.
Naunang naglabas ng hold departure order ang Fifth Division laban kay Senador Jinggoy Estrada at mga kasama kahapon.
Sa idinaos na press briefing sa Malacanang, sinabi ni Kalihim Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na bahagi lamang ito ng judicial process. Idinagdag pa niya na hukuman ang naglalabas ng kautusan.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi naman ni Senador Revilla na hindi siya aalis sa bansa at haharapin ang plunder at graft charges. Akusado siya ng pagtanggap ng kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund allocation na idinaan sa mga hindi matagpuang mga proyekto ng mga non-government organizations ni Napoles.
Sinabi pa ni G. Revilla na sa paglabas ng hold departure order laban kay Senador Estrada kahapon, inaasahan na niyang lalabas ang kautusan at wala naman siyang balak na umalis ng bansa.
Mariin pa rin niyang itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |