|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Katarungan, inirekomenda ang paglilitis sa mga negosyante
MAY rekomendasyon na ang Kagawaran ng Katarungan na kasuhan ng "profiteering: laban sa 17 mga negosyanteng sangkot sa "rebagging" at pagbibente ng NFA rice bilang commercial rice sa Bulacan.
Isang nagpanggap na mamimili ang ipinadala ng pamahalaan sa Marilao, Bulacan na siyang nakadiskubre ng mga bigas mula sa NFA na ipinagbibili sa iba't ibang pangalan sa halagang P 43 bawat kilo.
Sa isang pahayag, sinabi ng Kagawaran ng Katarungan na ang 17 ay kakasuhan ng paglabag sa Section 5 paragraph 2 ng Republic Act 7581 o Price Act of 1992 sa seksyon ng profiteering o pagbibili ng mga panindang higit sa tunay na halaga nito.
Kabilang sa mga ipagsusumbong sina Juan C. San Luis, Roel N. Bulalaque, Jose M. Grimio, Delfin C. Remogat, Antonio L. Gonzales, Ronnie O. Esplana, Antero G. Saturno, Wilson R. Agapito, Wilcris R. Agapito, Cesar C. Bernardo, Joseph B. Reyes, Annisito O. Almenario, Ferdinand Sarto, Paul G. James, Mamimo C. Macasinag, Albert G. Javier at Efren G. Brusola.
Ayon sa taga-usig, nagsabwatan ang mga akusado upang magsagawa ng labag sa batas na kalakal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |