Umabot sa 37.8% ang paglago sa bentahan ng sasakyan
NATAMO ng industriya ng mga sasakyan sa Pilipinas ang bentang umabot sa 19,622 sa nakalipas na buwan ng Hunyo.
Ayon sa pinagsanib na (ulat ng) Marketing Committee ng Chamber of Automotic Manufacturers of the Philippines, Inc. at Truck Manufacturers Association, naganap ang paglago dahilan sa pangangailanan ng pampasaherong mga sasakyan. Sunod-sunod rin ang paglulunsad ng mga bagong modelo at marketing support upang matugunan ang pangangailangan.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, ang passenger car at commercial vehicle categories sales ay tumaas kung ihahambing sa datos noong Hunyo ng 2013. Umabot ang passenger car segment's sales sa 8,278 unit na kinakitaan ng 100.3$ o higit sa doble noong nakalipas na taon.
Samantala, ang commercial vehicle ay nagkaroon ng 11.344 sales at lumago ng 12.2% at umabot sa karagdagang 1,236 units kung ihahambing sa benta noong Hunyo ng 2013.
1 2 3 4 5 6