Dalawampu't pitong OFWs mula sa Libya, nakauwi na
UMUWI na sa Pilipinas ang may 27 pang mga OFW kaninang ika-apat at kalahati ng hapon sakay ng Etihad Air Flight 332 mula sa Libya.
Ayon sa Kagawawan ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas, aabot na sa 515 ang mga OFW mula sa Libya na ligtas na nakabalik ng bansa. Ang mga manggagawa ay mula sa Doosan, Saemyung, Sunchang-Hyundai at Alnahr companies.
Sinalubong sila ng mga kawani ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas at mga taga-Overseas Workers Welfare Administration upang mabigyan ng briefing at matulungan kaagad. Patuloy ang kanilang panawagan sa mga OFW sa Libya na makipagbalitaan sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli upang maayos ang kanilang paglalabay pabalik sa Pilipinas.
1 2 3 4 5 6