Dalawang minero nasawi, anim na-ospital
DALAWANG minero ang nabalitang nasawi samantalang anim na iba pa ang isinugod sa pagamutan kasunod ng gas poisoning sa isang pocket mining tunnel sa Benguet.
Ayon sa pulisya na nakapanayam ng isang himpilan ng radyo, ang mga biktima ay pawang taga Barangay Cabiten, Mankayan sa Benguet. Ayon kay Supt. Davy Limmong, tagapagsalita ng PNP Cordillera, ang tunnel ay nasa Tumtumba area sa Barangay Cabiten. Kinilala niya ang mga nasawi sa pangalang Dante Lingyasan, 36 at Elton Labintas, 19.
Ang mga isinugod sa pagamutan ay kinilalang sina Nobres Tip-ac Libag, 28; Elvis Lambino, 27; Jessie Lambino, 30; Dominic Olio, 42; Junes Bombe, 44 at Carl Lingyasen, 23.
Noong Lunes, mga ikalawa ng hapon, ang usok na nagmula sa isang nasirang water pump ang pumuno sa mining tunnel na pinagtatrabahuhan ng mga minero.
1 2 3 4 5 6