Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Labing-anim Sa Pagtitipon ng Pamilya

(GMT+08:00) 2014-07-14 15:03:03       CRI

你多吃点儿 下次请你们到我家做客

Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa

Para maipakita nila ang kanilang mainit na pagtanggap sa bisita, madalas sabihin ng mga Tsino na "Huwag kang mahihiyang kumuha pa". Sa wikang Tsino, ito ay:

你(nǐ)多(duō)吃(chī)点(diǎn)儿(ér).

你(nǐ), ikaw o ka.

多(duō), sige pa o kaunti pa.

吃(chī), kumain.

点(diǎn)儿(ér), salitang panukat na nangangahulugan ng munti o kaunti.

YOK: 点(diǎn)儿(ér).

Narito ang ikatlong usapan:

A:你(nǐ)多(duō)吃(chī)点(diǎn)儿(ér)。Huwag kang mahihiyang kumuha pa.

B:我(wǒ)吃(chī)饱(bǎo)了(le)。Busog na ako.

Bago tuluyang lumisan ng bahay ng kanilang kaibigan, madalas na sinasabi ng mga Tsino: "Sa susunod, punta naman kayo sa bahay ko."

下(xià)次(cì)请(qǐng)你(nǐ)们(men)到(dào)我(wǒ)家(jiā)做(zuò)客(kè).

下(xià)次(cì), sa susunod.

请(qǐng), anyaya o imbita.

你(nǐ)们(men), kayo.

到(dào), punta.

我(wǒ)家(jiā), bahay ko.

做(zuò)客(kè), bumisita o pagiging panauhin.

Narito ang ikaapat na usapan:

A:下(xià)次(cì)请(qǐng)你(nǐ)们(men)到(dào)我(wǒ)家(jiā)做(zuò)客(kè)。Sa susunod punta naman kayo sa bahay ko.

B:有(yǒu)时(shí)间(jiān)一(yí)定(dìng)去(qù)。Oo, pupunta ako kapag wala akong gagawin.

Narito ang Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Ang Pistang Pantagsibol o higit na kilala bilang Spring Festival o Chinese New Year ay pinakamalaking pista sa Tsina. Karamihan sa mga mag-aaral at empleado ay nagbabakasyon sa panahong ito. Ang Chinese New Year ay panahon ng pagsasama-sama at napakahalaga para sa pami-pamilya na magkasama-sama sa panahong ito. Lalong punuan ang mga tren sa panahong ito dahil ang mga tao ay umuuwi sa kanilang mga probinsiya para bisitahin ang kanilang mga pamilya. Maselang inaayos ng mga tao ang kani-kanilang mga bahay bilang paghahanda sa pagdating ng Bagong Taon. Nililinis nilang mabuti ang kanilang mga bahay, pinipintahan ang loob at labas ng mga ito at kinukumpuni ang lahat ng dapat kumpunihin na taglay sa isip ang diwang "walang luma, puro bago." Ang Spring Festival Couplets(春联(chūnlián))at mga bating pang-Bagong Taon na nakasulat sa pulang papel ay nakadikit sa mga pinto at bintana ng mga bahay. Ang mga pinakakaraniwang bati ay kaligayahan, magandang kapalaran at grasya. Iyon mismong piraso ng papel ay nangangahulugan ng "grasya." Kadalasan, ang karakter na 福(fú) o grasya ay idinidikit nang patiwarik. Ang isang interpretasyon sa gawing ito ay ito ay isang uri ng biro gamit ang mga salita. Ang "福(fú)倒(dǎo)了(le)" ay nangangahulugan ng "福(fú)" na patiwarik dahil ito ay sintunog ng "福到了(fúdàole)" na nangangahulugan ng "ang grasya ay dumating na."

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>