![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
140716melo.mp3
|
"Glenda," nanalasa sa Luzon, lima ang nasawi, daag libo ang nailikas
PAG-AAYOS NG LINYA NG KURYENTE, GINAGAWA NA. Isa lamang ito sa mga tauhan ng Manila Electric Company na naglilinis ng mga lansangan at mga natumbang puno sa mga kable ng kuryente ilang oras matapos lumisan si "Glenda" sa Luzon. Kuha ito sa Mindanao Avenue, Quezon City. (Melo M. Acuna)
MALINIS ANG EDSA. Ito ang larawan ng Epifanio delos Santos Avenue (EdSA) sa Quezon city, Walang mga sasakyan at tanging mga natumbang mga puno ang makikita. Kuha ito mga ala-una ng hapon kanina. (Melo M. Acuna)
LIMA ANG NASAWI, DAANG LIBO ANG NASA EVACUATION CENTERS. Ito ang ibinalita ni Retired Admiral Alexander R. Pama, Undersecretary ng Department of National Defense at Executive Director ng National Disaster Risk Reduction Management Council. Sumama siya sa ginawang aerial survey ng Department of National Defense sa Metro Manila, Calabarzon at maging sa Bicol Region. (Melo M. Acuna)
UMABOT sa lima katao ang nasawi samantalang nanalasa ang bagyong "Glenda" mula sa lalawigan ng Albay hanggang sa dumaan ito (kagabi) sa pagitan ng Cavite at Bataan kaninang katanghalian.
Ayon kay Defense Undersecretary Eduardo Pama, nasawi sina Reynaldo Meneses Hernandez ng Plaridel, Bulacan matapos magsakan ng puno ang kanyang tahanan, isang Lourdes Ongray Lim, 25 taong gulang ng Allen, Northern Samar na nabagsakan naman poste ng kuryente at isang pamilyang may apelyidong Artificio sa Lucena City na nabagsakan ng isang kongkretong pader kaninang madaling araw.
Idinagdag pa ni retiradong Admiral Pama na umabot sa 373 barangay ang apektado ni "Glenda" na may lakas na hanging aabot sa 150 kilometro bawat oras at pagbugso ng may 180 kilometro bawat oras.
Mayroong 93,855 pamilya ang apekdato at may 76,598 pamilya o 373,177 katao ang naninirahan sa may 500 evacuation centers sa Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Masbate, Sorsogon, Camarines Norte at Naga City.
Stranded ang may 6,021 pasahero na sasakay sa 38 mga sasakyang dagat, may 583 rolling cargoes, 18 bangkang de motor sa iba't ibang daungan ng sa Luzon at Kabisayaan.
Mayroong 46 na domestic at 19 na international flights ang nakansela dahilan sa masamang panahon. Ibinalita ring mayroong 11 lansangan at isang tulay ang 'di madaanan sa mga rehiyon ng Calabarzon, Bicol at Silangang Kabisayaan dahilan sa pinsalang tinamo at maging sa mga pagbaha (dulot ni "Glenda").
Siyam na lalawigan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas at maging Metro Manila at walang kuryente hanggang ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |