![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Bagong hirang na AFP Chief of Staff, handang sumabak sa hamon ng relief and rehabilitation sa bagyong "Glenda"
NARARAPAT PAGHANDAAN ANG CLIMATE CHANGE. Naniniwala si incoming AFP Chief of Staff Lt. General Gregorio Pio Catapang na nararapat paghandaan ang climate change at mga trahedyang dulot nito sapagkat tanging mga sibilyan ang apektado nito. Handa na siyang sumabak sa relief and rehab operations sa kanyang pagluklok sa Armed Forces of the Philippines sa darating na Biyernes, ika-18 ng Hulyo. (Melo M. Acuna)
NAKAHANDA si Lt. General Gregorio Pio Catapang na sumabak sa relief at rehabilitation operations para sa mga nasalanta ng bagyong "Glenda."
Sa isang exclusive interview sa Campo Aguinaldo, sinabi ng bagong hirang na chief of staff na sanay na siya sa paglahok sa mga operasyon para sa mga mamamayan lalo pa't mga biktima ng iba't ibang trahedya.
Siya ang papalit kay General Emmanuel Bautista na magreretiro sa Biyernes, ika-18 ng Hulyo sa pagsapit ng kanyang retirement age na 56.
Si General Catapang ay dating commanding general ng 7th Division ng Philippine Army bago nahirang na Northern Command chief. Hindi nagtagal ay nahirang siyang AFP Vice Chief of Staff.
Sina General Bautista at Catapang ay pawang kasapi ng PMA Class 1981.
Ayon kay General Catapang, nararapat paghandaan ang mga suliraning dala ng climate change sapagkat ang pinaka-apektado sa mga trahedyang dulot nito ay pawang mga sibiliyan.
Binanggit niyang natural na ang sagupaan ng mga kawal ng pamahalaan at mga rebelde at bibihirang nadadamay ang mga sibilyan. Mas makabubuti umanong tugunan ang problemang dulot ng climate change at mga trahedyang dulot ng kalikasan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |