Kalihim Voltaire Gazmin at mga kasama, nagsagawa ng aerial inspection
UMALIS mga pasadong alas dos ng hapon sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at mga kinatawan ng Departments of Public Works and Highways at Social Welfare and Development sakay ng dalawang helicopters upang suriin ang pinsalang idinulot ni "Glenda" sa Metro Manila, Southern Tagalog at Bicol Region.
Ayon kay Undersecretary Alexander R. Pama, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ito ang kanilang follow-up sa mga balitang kanilang natanggap.
Kabilang din ang mga kinatawan ng NDRRMC at mga taga Armed Forces of the Philippines sa aerial inspection.
1 2 3 4 5