European Union, handang tumulong sa mga apektado ni "Glenda"
SINABI ni European Union Ambassador to the Philippines Guy Ledoux na handa ang European Union na tumulong sa mga pamilyang apektado ng pinakahuling bagyong tumama sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ambassador Ledoux na isang koponan ng ECHO o humanitarian aid officers sa Maynila ang nagbabantay sa mga nagaganap upang makagawa ng pagsusuri sa magiging pinsala.
Ipinarating din ni Ambassador Ledoux ang pakikiisa sa mga mamamayang Filipino na apektado ng malakas na bagyo.
1 2 3 4 5