"Glenda" ikinabahala ng international community
ISANG napipintong krisis na naman ang maaaring tumama sa Pilipinas sa pamananalasa ng bagyong "Glenda" sa Luzon mula kahapon hanggang kaninang katanghalian.
Ang bagyong may international name na "Rammasun" ay inaasahan ng makalalabas sa Philippine Area of Responsibility bukas ng katanghalian. Sa pagsusuri ng mga dalubhasa ng Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) sa Pilipinas, nanalasa ang bagyo sa pinakamatataong pook sa Luzon.
Ang pagbaha, pagkakaroon ng flash floods at pagguho ng lupa ay naganap na sa ilang mga pook ng Luzon. Sa pagsusuri ng OCHA, aabot sa 136,000 mga households ang apektado ni "Glenda" subalit may 68,000 ang mas mababa sa poverty line.
Ang Humanitarian Country Team ang nagbabantay sa magiging epekto ng bagko sa pakikipagtulungan sa Office of Civil Defense samantalang ang International Federation of the Red Cross at Red Crescent Societies ang nakahanda para sa non-food items at hygiene kits para sa may 20,000 mga pamilya ang posibileng matulungan. Mayroon ding 10,000 tarpaulins na nakahanda.
1 2 3 4 5