|
||||||||
|
||
140718melo.mp3
|
Filipina at dalawang anak kabilang sa nasawi sa plane crash
ISANG Filipina at ang kanyang mga anak na lalaki't babae ang kabilang sa halos 300 pasaherong sakay sa sinamang-palad na Malaysia Airlines flight MH 17 na pinabagsak sa loob ng Ukraine.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario sa mga mamamahayag kanina. Matapos masabihan ang pamilya ng tatlong nasawi ng mga opisyal ng Malaysian Airlines, kinilala ang mga biktima na sina Irene Gunawan, 54 na taong gulang, Sherryl Shania Gunawan, 20 at Darryl Dwight Gunawan, 15 taong gulang.
Naglalakbay ang Malaysia Air Systems Boeing 777 mula sa Amsterdam sa The Netherlands at patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia. Walang anumang distress call na ginawa ang mga piloto ng eroplano.
Mayroong 298 kataong sakay ng eroplano kabilang ang 283 mga pasahero mula sa iba't ibang bansa. Pawang Malaysian citizens ang 15 kataong crew.
Sa hiwalay na press briefing, sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose na ang lalaki ay mas nakababata sa kanyang kapatid na babae. Pawang Philippine passport holders ang tatlo at ayon sa records ng DFA, ang kanilang mga tahanang nakalagay sa kanilang passport application ay The Netherlands.
Idinagdag ni Asst. Secretary Charles Jose na walang katiyakan kung ang Kuala Lumpur ang kanilang daraanan lamang o kanilang patutunguhanb. May koordinasyon na rin ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa mga opisyal ng Malaysian Airlines.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |