|
||||||||
|
||
Nangungunang mga saksi laban kina Jinggoy at Napoles, kinilala na
INIHAYAG ng mga taga-usig ng Ombudsman na ang mga saksing kanilang itatanghal sa Fifth Division ng Sandiganbayan laban kina Senador Jinggoy Estrada at Gng. Janet Lim-Napoles ay sina Benhur Luy at Ruby Tuason.
Ayon sa balitang lumabas, sasaksi sa iskemang ginamit ni Janet Lim-Napoles at mga kasabwat sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Senador Jose "Jinggoy" Estrada.
Saksi rin si Luy sa financial transactions ng mga korporasyon ni Napoles at mga NGOs na pinadaluyan ng PDAF ni Senador Estrada. Patutunayan din ni Luy na nakatanggap ng salapi si Estrada mula kay Napoles ng ilang ulit mula kay Napoles at sa kanyang kinatawan na si Raymond De Asis.
Saksi rin ng taga-usig si Susan Garcia ng Commission on Audit na magpapakita ng audit na ginawa sa allocation at utilization ng PDAF na inilabas ng Department of Budget and Management mula 2007 hanggang 2009 sa mga ahensyang tulad ng NABCOR, NLDC at Technology Resource Center. Sa pagsasagawa ng audit, nadiskubre na ang mga PDAF allocation ni Senador Estrada ay hindi maayos na naipalabas ng DBM at hindi nagamit ng maayos ng mga ahensyang nararapat magpatupad nito.
Si Ruby Tuason naman ang magpapaliwanag sa iskemang ginamit ni Estrada sa paggamit ng PDAF allocation na sinangayunan naman ng mambabatas. Si Estrada umano ang tumawag kay Tuazon na mayroon ng pondo ang kanyang PDAF allocation. Siya rin ang magpapatunay na siya ang nagpakilala kay Napoles kay Estrada.
Saksi rin ng taga-usig sina Marina Sula, Gertrudes Luy, Merlina Sunas, Nova Macalintal, Mary Arlene Baltazar at mga kawani ng National Bureau of Investigation na nagsagawa ng pagsisiyasat.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |