Malacañang, humiling ng rekonsiderasyon sa DAP
SA kakaibang gawi ng Palasyo Malacañang, ipinarating ng Office of the Solicitor General kanina sa Korte Suprema ang kanilang Motion for Reconsideration sa desisyong lumabas na taliwas sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program.
Sinabi ng Malacañang sa kanilang motion for reconsideration na ang withdrawn unobligated allotments at unreleased appropriations sa ilalim ng DAP ay kinikilalang salaping natipid di tulad ng ruling ng Korte Suprema.
Ayon sa Korte Suprema, ang cross-border fund transfer o paglilipat ng pondo mula sa isang sangay ng pamahalaan sa ibang sangay ay paglabag sa Saligang Batas.
Ayon sa Solicitor General, ang paggamit ng unprogrammed funds ay tumugon sa mga nilalamang probisyon ng General Appropriations Acts at dinagdagan lamang ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng salaping nasa ilalim ng DAP.
1 2 3 4 5 6