|
||||||||
|
||
Nasawi sanhi ni Glenda, 54 na; pinsala, higit na sa P 5 bilyon
TUMAAS na ang bilang ng mga nasawi dulot ng bagyong "Glenda" at umabot na sa 54. Ito ang balita mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Tatlo katao pa ang nabalitang nawawala samantalang may 100 na ang nabalitang nasugatan. Nagmula ang mga nasawi sa Ilocos, Central at Southern Luzon, Bicol, Eastern Visayas at maging sa Metro Manila.
Apektado ang may 167,293 mga pamilya o 882,326 katao. Mayroong 99,548 na pamilya o 525,791 katao ang pansamantalang naninirahan sa may 1,200 evacuation centers.
May 19 na mga lansangan at tatlong tulay sa Cagayan Valley, Central at Southern Luzon, Bicol at Cordillera regions ang 'di madaanan dahilan sa pinsalang tinamo at mga pagbaha.
Ang pinsala sa mga ari-arian ay higit na sa P 5 bilyon na kinabibilangan ng 892,011,600 sa mga pagawaing-bayan at P 4,529,307.42 sa mga pananim at mga sakahan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |