|
||||||||
|
||
Papal Nuncio, nanawagan sa mga Filipino: Huwag bumili ng tickets
MGA FILIPINO, PINAYUHAN. Nanawagan si Papal Nuncio to the Philippines Arsobispo Guiseppe Pinto sa mga Filipino na huwag mahuhulog sa bitag ng mga sindikatong nagbibili ng ticket sa pagdalaw ni Pope Francis sa Enero2015. Sa isang liham kay CBCP President Archbishop Socrates B. Villegas, nanawagan siyang iparating ang mensaheng walang anumang ticket na ipagbibili para sa pagdalaw ni Pope Francis. (File Photo ni Melo Acuna)
NANAWAGAN si Arsobispo Guiseppe Pinto, ang Papal Nuncio sa Pilipinas, sa mga Pilipino na huwag basta bibili ng mga ticket para sa napipintong pagdalaw ni Pope Francis sa darating ng 2015.
Sa kanyang liham kay Arsobispo Socrates B. Villegas, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na mayroong ilang mga grupo na naglalayong magpayaman ng kanilang sarili mula sa mga karaniwang mananamplataya.
Nakarating sa kaalaman ng Apostolic Nunciature na may mga grupong nagbibili ng tickets sa mga Misa at iba pang mga okasyon sa pagdalaw ni Pope Francis sa susunod na taon.
Wala pang pormal na anunsyo ang Vatican, ang Apostolic Nunciature at maging ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa detalyes ng napipintong pagdalaw.
Sa kanyang liham noong ika-8 ng Hulyo, sinabi ni Arsobispo Pinto na nakarating sa kanilang kaalaman ang gawa ng ilang mga grupong nagsasamantala sa mga inosenteng mga Filipino.
Nanawagan siya kay Arsobispo Villegas na gamitin ang lahat ng mga paraan upang maiparating sa madla ang katotohanang walang anumang ticket na ipagbibili sa pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas. Nanawagan din siya sa madla na huwag tatangkilikin ang gawing ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |