|
||||||||
|
||
Pagpanaw ni Pangulong Cory Aquino, ginunita
NAPUNO ng bulaklak na kulay dilaw ang mga libingan nina dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino at dating Senador Benigno S. Aquino, Jr, mga magulang ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Manila Memorial Park.
Napuno ng mga dilaw na bulaklak ang mga libingan. Magugunitang ang kulay dilaw ang siyang political color ng mga Aquino. May nakalagay na larawan ni dating Pangulong Aquino na kuha ng Time Magazine na napaliligiran din ng yellow ribbons.
Naluklok si Pangulong Cory Aquino matapos ang sinasabing EdSA People Power revolt noong 1986.
Pumanaw ang dating pangulo noong unang araw ng Agosto 2009 matapos ang pakikipaglaban sa colon cancer. Naging dahilan ito ng pagluluksa ng karamihan ng mga mamamayang tumawag sa kanya bilang "Tita Cory."
Sa paggunita sa kanyang kamatayan, maglulunsad ang Philippine Postal Corporation ng mabangong mga selyong nagtatampok ng kanyang mga painting. Maglalabas sila ng may 200,000 piraso nito na mayroong apat na debuho at nagkakahalaga ng P 25 bawat isa. Itatampok ang mga selyo mula ngayon hanggang ika-31 ng Hulyo 2015.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |